www.williamvanderjeugt.be. Powered by Blogger.

Popular Posts

Followers

Tuesday, November 22, 2011
kami ng mga anak mo ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng pagmamahal at pag aaruga na ibinigay niyo sa amin. Nakita namin ang lahat ng sakripisyo niyo para kami ay itaguyod at makapagtapos ng pag aaral, kung ano man ang narating namin ngayon iyon ay bunga ng inyong pagsisikap at pagtitiyaga. Marapat lamang na kayo ay arugain at parangalan bilang isang mabuting ama na nagturo sa amin kung paano magmahal at magbigay.Walang bagyo na di susugurin matugon lamang ang aming pangangailangan, ngunit ni minsan ay di nagreklamo sa hirap na naranasan; salamat aming ama sa lahat kailan man ikaw ay di malilimutan mananatili ka dito sa aming puso magpakailan man. Ikaw ngayon ay nasa piling na ng puong maykapal na pabaon ang aming pagmamahal. Malayang paglalakbay at hanggang sa muling pagkikita aming mahal na ama.

0 comments, click here to leave a comment:

Click Through's